Skip to Content Skip to Search Go to Top Navigation Go to Side Menu


Land Transportation Office


Thursday, May 8, 2008

I really hate mornings. I don’t know why. I hate the feeling of waking up from sleep. The fact that even if you brushed your teeth in the evening you will still have bad breathe in the morning. Of waking up with morning wood and hiding it with pillows and blankets even in hot weather. I loathe people greeting me with good mornings as though they had great sechs overnight.

A while ago, I woke up early just to have a single photo shoot with LTO. I actually went there without having a shower; muta all over my face, panis na laway crystalized on my cheek. I don’t care. I’m not a morning person. We went there early to avoid the people and stress of lining up. LTO is blasphemy. It is madness! Good thing we have “kunekshuns” inside so it’s faster and easier.

Oh, and I think i saw funnysexy there as well. Not sure though if it’s her or some Korean popstar sensation or just another look-a-like but I think i somewhat traced an I’m-gonna-blog-about-this look on her face for a minute or two. I don’t know. I didn’t approached her… I’m shy y’know. So if it’s really you funnysexy, buzz me alright? Maybe we’re like destined for each other. Just maybe. Ahihi.

Oh, btw get ready for some majuh advertisements on this site soon. Wawsabaw has crossed over the dark side of the force.

Manila FX drivers


Wednesday, May 7, 2008

Sa nakaraan kong entry, tinuklas natin ang iba’t ibang uri ng FX passengers. Ngayun naman, pag-aralan natin ang mga FX drivers na sinasakyan natin sa Kamaynilaan. Nagkakaiba ang mga FX drivers sa shapes, colors and sizes. May mga FX driver na mas mayaman pa sayo. May coniotic na taglish pa magsalita. Merong mga mukang kupal, meron din namang artistahin. Pero ang nakakawili sa lahat ay yung mga FX Drivers na nag wawalkie-talkie sa kapwa nila driver.

Madalas mga kolorum ang gumagawa nito para makaiwas sa mga larger predators ng kamaynilaan. Meron din namang mga terminal na gumagawa nito pero madalang lang. Eto ang karaniwang pag-uusap sa mga radio ng FX Drivers.

Unawaain ang mga sumusunod na usapan ng mga driver:

Driver 1: 2-0, 2-0 mo?

Driver 2: Ahhh, Zebra, sa may INC may 1-6 ah. 5-3, 5-3, roger.

Driver 1: 142 copy, 10-8 ako diyan, tango-tango dito.

Driver 2: Charlie Fox ka diyan INC, marami yellow boys diyan

Driver 1: Oscar Kilo. Copy.

Nabasa niyo naman mga pips. Sa unang rinig mo, hindi mo talaga maiintindihan ang pinagsasabi ng mga chonggong ito. Malamang, hindi ka naman drayber. Talagang gumagawa sila ng sarili nilang koda para hindi mahack ng mga pulis ang kanilang usapan. Kaya nga mga kolorum na FX ang karaniwang nakikitaan ng mga ganyan.

Ginagamit nila ito, para makalusot sa trapik. Isang charlie fox lang diyan sa tabi, edi solb na! Mas mabilis nga naman ang biyahe. Kung ako nga naman ang pasahero, kelangan mabilis, malamig at komportable ang aking sinasakyan. Ang nakakatakot nga lang sa mga kolorum, walang insurance kung sakaling tumilapon sa kanal ang bangkay mo. Isa pa, nagnanakaw ng buwis ang mga kolorum dahil hindi sila registered sa LTO. Pero pareho lang naman sila, nagnanakaw din naman ang mga bwakinang naka-upo.

Ituturo ko nalang sainyo ang ilan sa mga datos na nakuha ng aking mga butihing collegues. Kung gusto niyo makipagchismisan sa mga driver, edi chumarlie fox na! Enjoy:

Read the rest of this entry »

Testosterone girls and harlequin boys


Sunday, May 4, 2008

Gustong-gusto ko sumakay ng FX. Eto lang kasi ang sinasakyan ng mga taong bourgeoisie na klasipikasyon ng taong nasa gitna ng mga taong walang perang pantaxi, pero may pera para hindi sumakay ng jeep. Iba-iba ang mga makakasalamuha mo sa FX. May mga estudyante, matatandang hukluban, malilibog na bakulaw, mga tulog ng tulog na walang pakialam sa laway pero malas mo nalang kung holdaper ang makasabay mo. Aminado ako minsan na nalalagay ako sa klasipikasyon ng mga estudyanteng tulog ng tulog na walang pakialam sa laway. Masarap kasi matulog kapag-aircon. Pero tuwing tanghali at parang oven ang FX, hindi talaga ako makatulog dahil tumutulo ang pawis ko sa kilikili.

Iba-iba din ang drayber na masasakyan mo. Minsan nga meron pa silang radyo at nakikipag-usap sila sa kapwa drayber nilang pumapasada. Tumatanggo tanggo pa sila, at charlie fox na yan roger, oscar kilo, tanggo tanggo tayo diyan sa may malaking bilog, roger. Nakakaaliw lang talaga sila.

Pero kahapon, nung sumakay ako sa FX, dun ako pumwesto sa may likod. May nakasabay akong dalawang bardagul na nag-aaral sa FEU. Nakakatuwa ang pinag-uusapan nila. Eto ang pagkakatanda ko:

Bardagul #1: Pre, grabe yung binogbog ko nung isang araw, naospital pre!

Bardagul #2: O? Kamusta na nga pala yung chick mo tol, dude tsong pare?

Bardagul #1: Ayon, ang sarap nun brad!! Sexy kamuka ni Maxine Magalona!!

Bardagul #2: Tangenangyan pare! Gutom na ako…

Bardagul #1: Gusto mo ng Kitkat? *Naglabas ng Kitkat chocolate sa bag*

Bardagul #2: Hati tayo… *Sabay nilang hinati ang kitkat*

Bardagul #1: Sarap noh? *Hinihimod ang kamay* Bigay toh saken ni Angela eh… Pasalamat ka binigyan kita!

Bardagul #2: Oh? tara laro tayo *pumusisyon siya pero hindi ko alam yung pangalan ng laro nila.* Ang matalo pipitikin sa ilong, ready ka na ba pre!!!

Ayun, naglaro lang sila at nagpitikan ng ilong. Ang laki-laki nila pero kinikilig sila kapag magpipitikan na sila ng ilong. Yung isa nga ay humahalinghing pa at nakikipagkilitian. Pinipigil ko na lang ang tawa ko kasi baka “bogbogin” nila ako at “maospital” din ako.

Sa harapan ko naman, ay magkakaibigang babae. Mga nursing student sila pero hindi ko alam ang eskwelahan na pinapasukan nila. Ang pinag-uusapan naman nila ay kung hindi tungkol sa mga lalake ng buhay nila eh yung mga kinaiinisan nila.

Babae 1: Alam mo, nag-away kami ni Ejay kanina…

Babae 2: Hala! Baket?

Babae 1: Kasi kanina, niyayakap niya ako… eh diba alam niyo naman na may… alam mo na… may amoy ng onti si Ejay. Kaw nga diba nahalata mo yun, ayun eh niyayakap niya ako eh hindi ko makaya yung amoy, pero hindi ko naman masabi sakanya na amoy putok siya, ayun sabi ko nalang “Ano ba wag nga!!” tpos nagalit nalang bigla.

Babae 2: Grabe naman! Regaluhan mo kaya ng deodorant? *tumatawa*

Babae 1: Eh baka lalo magalit yun… hayaan ko nalang. Kasi alam ko nagagalit yun eh, sensitive yun sa mga ganung bagay eh. Pero hindi siya sensitive sa amoy niya…

Babae 3: Hay nako hiwalayan mo na nga yang si Ejay! Napakakomplikado ng problema niyo.

Naipit ako sa dalawang bundok, wala akong magawa kasama ko sila sa buong trip ko pauwi. Sana mabasa nila ito, at ang masasabi ko lang sa inyo, MAGPATULOG NAMAN KAYO!

The (mis)adventures of wei and me.


Saturday, May 3, 2008

Kahapon ng kahapon nga pala nakipag-inuman ako kay Wei. Siya ay isang “anonymous” blogger na napakamisteryoso dahil wala pang nakakakita sa kanya. Nagkayayaan mag-inuman dahil napag-alaman namin na taga dito lang siya sa may amin.

Nag-alangan talaga ako nung una dahil, pukinangpilipinas, baka mamaya malasing ako at butasin ako nitong si Wei. Hindi natin alam, maraming mapagpanggap dito sa blogosphere. Pero buti nalang, nakauwi akong buo, walang gripo at walang spray can sa wetpaks.

Awkward makipag-inuman kapag dalawa lang kayo. Mas awkward kung kayo lang dalawa at lalake pa kayo pareho. Ginagawa lang yun ng mag-ama, magtiyo o di kaya magsyota pero ayos lang. Chillax lang. Pinagtitinginan pa nga kami nung dalawang babae na nag-iinuman dun sa may tabing table namin. Mga estudyante yun ng nursing sa Fatima. Ayun, nagpakyut naman itong si Wei sa dalawang babae sa kabilang table.

Putrages, gwapo namang itong si Wei eh, pero mas gwapo ako siyempre. Nagulat nga kami nung lumapit yung isang babae sa amin. Sabi “trip” daw AKO nung isang babaeng kasama niya. Si Wei naman nilandi yung babaeng lumapet saamin… chill lang. Sa totoo lang, muka silang may AIDS. Nung nagCR nga sila, taena, kumaripas na kami ng takbo. Pero ang pagkakaalam ko, nakuha ni Wei yung number nung isa. Ahhihihi.

Lumipat nalang kami ng lugar. Dun sa medyo sosyal naman. Pero taragis mga bords, sa kabilang table naman namin, merong babae at lalaking nag-uusap tungkol sa malalaswang bagay. Puta, napag-alaman din namin na sila ay nag-eyeball sa chatroom. Nakinig lang kami sakanilang dalawa. Pero hindi lumaon nag-emo na itong si Wei. Ako, nag-emo din ng onti, pero onti lang. Pero hindi ko na ikikwento yun.

Nung uwian na, nakita ulit namin yung dalawang nursing student ng Fatima. Taragis, sumigaw pa yung isa, “WEEIII BAKIT MO AKO INIWAAAAAN!!” Kaya ayun, talikod kaming dalawa, sabay karipas ng pinakamabilis ng takbong lakad. Nakakatakot talaga yung dalawang yun, pwede na sana eh kung hindi lang mukang Syphilis yung tagiyawat niya sa noo. Ewan ko lang kung kinontak pa ni Wei ulit yun. Ahihi.

Rebelde!


Saturday, May 3, 2008

Dumadating minsan sa punto ng buhay ng tao na magrerebelde siya sa kanyang magulang. Kekwestyunin ang mga batas sa bahay at mga desisyon ng kanyang magulang. Ako, aminado ako na dati eh talagang pilit akong kumawala sa pag hatid-sundo, pagkakaroon ng curfew, at pagiging bonjing. 18 years old pa ako noon, pakiramdam ko kasi kaya ko na ang sarili ko at kaya ko nang tumayo sa sarili kong mga paa. Rebel with a cause kumbaga.

Marami kasi akong paniniwala na salungat sa kinalakihan ng magulang ko. Minsan nga nagtatalo kami ni erpats, bago daw ako matuto magdrive eh kailangan nagkakalikot muna ako ng kotse. Ako naman, bago ko kalikutin ang kotse kailangan marunong na ako magdrive. Kaya patigasan nalang kami, naisip ko na siya rin naman ang mahihirapan sa pag hatid sundo ng Ermats at Ate ko.

May mga pagkakamali din naman ako noon. Naalala ko nga dati, inumaga ako ng uwi pero hindi manlang ako nagpaalam o nagtetext kung saan na ako. Tinext pa nga ni Ate Sasa lahat ng kaibigan ko, tinatanong kung nasaan na ako. Baka daw nakidnap na ako o di kaya nalagyan ng Black Suede Spray sa pwet sa sobrang kalasingan. Eh akong tarantado, hindi nagrereply sa mga text nila dahil una sa lahat hindi ko maexplain talaga kung nasaan na ako; kung saan saan din kasi ako sumusuot. Minsan nga, akala ko nasend ko lahat ang message ko sakanila pero hindi ko nahalata na wala palang signal sa lugar ko, kaya ayun kinabukasan bumula ang buong katawan ko sa pangsasabon saakin ni Ermats at Erpats.

19 years old na ako ngayun, kamakailan lang sinermonan ako ni ermats na mapanganib ang panahon ngayun maraming temptation at peer pressure na malamang sa hindi ay kontrabida sa buhay ko. Sabi ko naman, “Mum, i know my limitations.” In english with European twang. Ayun tameme lang siya. Totoo nga naman, risk taker ako, pero alam ko hangganan ko. Nakakasira ng buhay ang ilegal na droga. Nakakasira ng buhay kapag pinutok mo sa loob. Ingatan mo ang sarili mo dahil marami ang nagmamahal sayo. Kaya ang moral lesson, englishin mo ang nanay mo, papayagan ka nun gumala.

Gwapo ‘tong batang ito paglaki


Wednesday, April 30, 2008

Panget ako nung bata ako. Naalala ko pa noon nognog ako, pango, usngal, mukang gusgusin. Minsan nga ay napagkakamalan pa akong pulubi. Hindi ako cute noon. Walang may gusto kumurot saakin dahil iniisip nila na kakagatin ko sila bigla. Hindi ako sikat sa elementarya. Hindi ako yung sumasayaw sa harap ng stage at kinukurot ng mga magulang. Tahimik kasi ako noon.

Hindi ko naman sinasabing gwapo ako ngayun ah, kasi hindi naman talaga ako gwapo ngayun. Pero masasabi ko na nagimprove naman ang itsura ko. Pero kung ikukumpara mo ang itsura ko noon sa itsura ko ngayun, putangina, mapapamura ka talaga.

Click click!

Read the rest of this entry »

Soulja Boy Tagalog - Batang Sundalo


Monday, April 28, 2008

From the creators of the infamous Low Tagalog Version. Gagabobo did it again! ENJOY! Watch out this May, something like this will happen. ;)

Click here for the lyrics

Read the rest of this entry »

Dugo at Daga


Monday, April 28, 2008

Masochista akong tao. Kanina nga, nag-usap kami ni Ermats tungkol sa mga bagay-bagay. “Ano ba yang futbol futbol na yan! Pisikal na laro yan ah! Pano kung mabayagan ka diyan, edi hindi ka na magkakaaanak!” Sagot ko naman, “Meme, yun nga ang gusto ko napipisikal. Pakiramdam ko kasi buhay ako kapag nakakaramdam ng sakit.” Sumabat pa si Ate sasa, “MASOCHISTA KA!!” Oo mga tohwls, dude, tsong, pare, masochista akong tao. Pero hindi sa puntong nagkakasugat na ako. Ayaw ko kasi ng sugat, lalo na kapag may dugo.

Marami akong kinakatakutan. Takot ako sa dugo sa totoo lang. Nanghihina ako kapag nakakakita ako ng dugo. Isama mo na rin ang daga. Putangina, nababakla na ako pag may daga sa paligid. Erpats ko rin, takot sa daga. Kaya nga hindi ko ni minsan nagustuhan si Mickey Mouse. Tanginang Mickey Mouse yan, dagang nagsasalita, hindi lang yun nagsasayaw pa!

Panoorin niyo nalang toh mga pips! Enjoy:

Hari ng stalkers


Saturday, April 26, 2008

Kamusta na mga pips? Isa sa naging hobby ko simula nung makulong ako dito sa bahay ay mag-imbistiga ng mga anonymous bloggers. Marami-rami na rin akong nahuling mga bloggers. Karamihan nga sa kanila ay friend ko na sa Friendster. Obsesyon ko talaga matuklasan ang mga katauhan ng mga bloggers na nagpapatawa, nagpapalungkot, nang-iinis o di kaya nagbibigay libog sa ating lahat. Sila yung mga blogger na wala manlang picture sa blog at gumagamit pa ng mga kakaibang pangalan.

Nagsimula ang lahat nang nabasa ko ang blog ng sikat na sikat na si Cofibean na mukhang deads na ngayun. Nagkaroon ako ng hinala kung sino siya, pero hanggang ngayun ay hindi pa rin umaamin ang prime suspect ko. Si Ferbert, si Xienah, Billycoy… madami pang iba. Gusto ko lang talaga malaman kung ganun ba talaga sila sa totoong buhay o hindi. Mapapatunayan ko nga kayang iba talaga ang blogger sa blog niya?

Anyhoo, kung gano ako ka obses malaman ang personal na buhay ng mga anonymous bloggers, ganoon din kaobses malaman ng aking “offline friends” ang aking blog. Kumalat kasi ang chismis na may blog ako, pero hindi ko pa inaamin kung ano ang blog ko at ano ang laman nito. Nabuburat lang talaga ako kasi pati yung dati kong blog ay natutuklasan na nila. Ang masakit nito, onting kadyot nalang ay matutuklasan na rin nila ang blog na ito. Sana talaga ay wag dumating ang punto na magiging tagasubaybay sila ng blog na ito dahil sigurado ako mawawala ang respeto nila saakin. Puro ba naman kasi puke, pekpek, at kepyas ang laman ng blog na ito.

Protected: How to become the Ultimate Jock.


Friday, April 25, 2008

This post is password protected. To view it please enter your password below: