I HATE MY LIFE!

No need to ask my name to figure out how cool I am!

BREAK!

October23

Finally, sembreak is here! Maybe I should buy spa filters because I’m gonna relax all day, all night long! LOL!

Anyhow, hell week is over. Now that I’m back on track, all inuman spot in Manila should replenish their inventories ‘coz i’m gonna bring their house DOWN! LULZ. Joke.

Actually, i can’t wait to go back to public service. I need to catch up helping typhoon victims. BRB.

My December

December22

I’m really enjoying my December so far. This month is filled with paAarties left and right. I’m really thankful for having good friends and the good times. Of course, my folks, for understanding that they have a son that has a crazy life. And to my one true love, you know who you are. Alcohol.

I got so drunk last night that I slept on the terrace and woke up around 5 with two more people sleeping beside me. Good thing i didn’t barf while sleeping or anything. I’m not a strong drinker. I know my limitations and when cross the line i stop. I’m gwapo like that.

Anyhoe, xmas is just around the corner. You better try some diet pills!

Testosterone girls and harlequin boys

May4

Gustong-gusto ko sumakay ng FX. Eto lang kasi ang sinasakyan ng mga taong bourgeoisie na klasipikasyon ng taong nasa gitna ng mga taong walang perang pantaxi, pero may pera para hindi sumakay ng jeep. Iba-iba ang mga makakasalamuha mo sa FX. May mga estudyante, matatandang hukluban, malilibog na bakulaw, mga tulog ng tulog na walang pakialam sa laway pero malas mo nalang kung holdaper ang makasabay mo. Aminado ako minsan na nalalagay ako sa klasipikasyon ng mga estudyanteng tulog ng tulog na walang pakialam sa laway. Masarap kasi matulog kapag-aircon. Pero tuwing tanghali at parang oven ang FX, hindi talaga ako makatulog dahil tumutulo ang pawis ko sa kilikili.

Iba-iba din ang drayber na masasakyan mo. Minsan nga meron pa silang radyo at nakikipag-usap sila sa kapwa drayber nilang pumapasada. Tumatanggo tanggo pa sila, at charlie fox na yan roger, oscar kilo, tanggo tanggo tayo diyan sa may malaking bilog, roger. Nakakaaliw lang talaga sila.

Pero kahapon, nung sumakay ako sa FX, dun ako pumwesto sa may likod. May nakasabay akong dalawang bardagul na nag-aaral sa FEU. Nakakatuwa ang pinag-uusapan nila. Eto ang pagkakatanda ko:

Bardagul #1: Pre, grabe yung binogbog ko nung isang araw, naospital pre!

Bardagul #2: O? Kamusta na nga pala yung chick mo tol, dude tsong pare?

Bardagul #1: Ayon, ang sarap nun brad!! Sexy kamuka ni Maxine Magalona!!

Bardagul #2: Tangenangyan pare! Gutom na ako…

Bardagul #1: Gusto mo ng Kitkat? *Naglabas ng Kitkat chocolate sa bag*

Bardagul #2: Hati tayo… *Sabay nilang hinati ang kitkat*

Bardagul #1: Sarap noh? *Hinihimod ang kamay* Bigay toh saken ni Angela eh… Pasalamat ka binigyan kita!

Bardagul #2: Oh? tara laro tayo *pumusisyon siya pero hindi ko alam yung pangalan ng laro nila.* Ang matalo pipitikin sa ilong, ready ka na ba pre!!!

Ayun, naglaro lang sila at nagpitikan ng ilong. Ang laki-laki nila pero kinikilig sila kapag magpipitikan na sila ng ilong. Yung isa nga ay humahalinghing pa at nakikipagkilitian. Pinipigil ko na lang ang tawa ko kasi baka “bogbogin” nila ako at “maospital” din ako.

Sa harapan ko naman, ay magkakaibigang babae. Mga nursing student sila pero hindi ko alam ang eskwelahan na pinapasukan nila. Ang pinag-uusapan naman nila ay kung hindi tungkol sa mga lalake ng buhay nila eh yung mga kinaiinisan nila.

Babae 1: Alam mo, nag-away kami ni Ejay kanina…

Babae 2: Hala! Baket?

Babae 1: Kasi kanina, niyayakap niya ako… eh diba alam niyo naman na may… alam mo na… may amoy ng onti si Ejay. Kaw nga diba nahalata mo yun, ayun eh niyayakap niya ako eh hindi ko makaya yung amoy, pero hindi ko naman masabi sakanya na amoy putok siya, ayun sabi ko nalang “Ano ba wag nga!!” tpos nagalit nalang bigla.

Babae 2: Grabe naman! Regaluhan mo kaya ng deodorant? *tumatawa*

Babae 1: Eh baka lalo magalit yun… hayaan ko nalang. Kasi alam ko nagagalit yun eh, sensitive yun sa mga ganung bagay eh. Pero hindi siya sensitive sa amoy niya…

Babae 3: Hay nako hiwalayan mo na nga yang si Ejay! Napakakomplikado ng problema niyo.

Naipit ako sa dalawang bundok, wala akong magawa kasama ko sila sa buong trip ko pauwi. Sana mabasa nila ito, at ang masasabi ko lang sa inyo, MAGPATULOG NAMAN KAYO!

posted under Heneroso, Weird | 25 Comments »

Gwapo ‘tong batang ito paglaki

April30

Panget ako nung bata ako. Naalala ko pa noon nognog ako, pango, usngal, mukang gusgusin. Minsan nga ay napagkakamalan pa akong pulubi. Hindi ako cute noon. Walang may gusto kumurot saakin dahil iniisip nila na kakagatin ko sila bigla. Hindi ako sikat sa elementarya. Hindi ako yung sumasayaw sa harap ng stage at kinukurot ng mga magulang. Tahimik kasi ako noon.

Hindi ko naman sinasabing gwapo ako ngayun ah, kasi hindi naman talaga ako gwapo ngayun. Pero masasabi ko na nagimprove naman ang itsura ko. Pero kung ikukumpara mo ang itsura ko noon sa itsura ko ngayun, putangina, mapapamura ka talaga.

Click click!

Read the rest of this entry »

Dugo at Daga

April28

Masochista akong tao. Kanina nga, nag-usap kami ni Ermats tungkol sa mga bagay-bagay. “Ano ba yang futbol futbol na yan! Pisikal na laro yan ah! Pano kung mabayagan ka diyan, edi hindi ka na magkakaaanak!” Sagot ko naman, “Meme, yun nga ang gusto ko napipisikal. Pakiramdam ko kasi buhay ako kapag nakakaramdam ng sakit.” Sumabat pa si Ate sasa, “MASOCHISTA KA!!” Oo mga tohwls, dude, tsong, pare, masochista akong tao. Pero hindi sa puntong nagkakasugat na ako. Ayaw ko kasi ng sugat, lalo na kapag may dugo.

Marami akong kinakatakutan. Takot ako sa dugo sa totoo lang. Nanghihina ako kapag nakakakita ako ng dugo. Isama mo na rin ang daga. Putangina, nababakla na ako pag may daga sa paligid. Erpats ko rin, takot sa daga. Kaya nga hindi ko ni minsan nagustuhan si Mickey Mouse. Tanginang Mickey Mouse yan, dagang nagsasalita, hindi lang yun nagsasayaw pa!

Panoorin niyo nalang toh mga pips! Enjoy:

Mega Lotto

March31

Kagabi, napanalunan na ang 200+ milyong pesong premyo sa Lotto. Hanggang ngayun, hindi pa  rin nakukuha sa PCSO ang premyo ng maswerteng kumag na yon. Siguro nga ay siya ang nakapulot nang Bagwa ni Kris Aquino kaya siya sinwerte.

Naisip ko nga na tumaya, pero hindi ako marunong. Bata pa lamang kasi ako, naisip ko na na kapag umabot ako sa 18 yirs old, tataya ako sa lotto. Ngayung 19 na ako, hindi pa rin ako nakakataya. Malas kasi ako sa lablayp kaya ibig sabihin nun swerte ako sa sugal.

Syempre kung mananalo ako sa lotto, magiinvest ako sa pagfranchise ng Jollibee o di kaya Mcdo. Kahit anong patok sa masa na may kontratang mababawi ko ang investment sa loob ng isang taon. Sigurado na ang tubo dun. Bibigyan ko rin ng tig 10% ang miyembro ng pamilya ko. Solb na sila dun, malamang. Yung matitirang pera, itatago ko muna. Low profile muna ako, baka kasi mamaya patumbahin nalang ako bigla ng mga gusto makuha ang pera ko. Siyempre, bibili din ako ng mga lupa at magsisimulang makipagsapalaran sa Real Estate. Siyempre bibili ako ng lupa dito sa may bandang Fairview. Nararamdaman ko kasi na sa susunod na taon, magiging mala-Ortigas ang lugar na ito. Lalo na ngayun by 2012, magkakaMRT na diyan. Meron na nga ring Call center jan eh, at opo, may starbucks na rin ang SM fairview. Kahit na medyo hayskool girls at bobo poser orcs lang ang mga tumatambay dun.

Siyempre, kapag multi-milyonaryo na ako, tatambay na rin ako sa istarbak na yan. Araw-araw siguro nakatambay ako diyan. Habang hinihintay si Mang Tonyo, o mang Hillario na driver ko. Bibilihin ko na ang dream car kong Chrysler 300c. Magiging inglesero na din siguro ako at makakapangasawa ng isang Araneta, Ayala o di kaya Garcia. (BANGS GARCIA!! HELLOOOo). Siyempre, masaya na ang buhay ko. Marami ako pera…

Masaya nga kaya?… Napaisip tuloy ako.

posted under Heneroso | 3 Comments »

Pinoy callboy

March26

Pinoy kolboy i am. Taena mga bords, wala talaga ako kapera-pera sa pitaka ko. Kaya ika nga ng karamihan, kailangan ko na kumapit sa patalim. Kanina, napag-isip-isip ko na sex sells, kaya naman ibebenta ko na ang aking katawan at serbisyo sa kahit na sinong interesado. Garantisado walang tulo. Eto nga pala ang price list ko:

  • 500php kada putok
  • 50php kada halik
  • 100php kapag may dila.

Murang mura. Sulit na sulit. Karaniwang umaabot ako sa 3 putok at mangila-ngilang halik at dila kaya kulang-kulang 4k ang magagastos mo. Pwede maging 3k kung bibilhan ako ng rubber shoes at load ng isang buwan. Ano? Interesado? Magkoment ka lang! At kung may blog ka, i-link mo na rin ako. Desperado lang ako talaga. Gwapo naman ako,
tanong mo pa sa kakilala mo.

posted under Heneroso | 145 Comments »

Low, tagalog version

March24

Paalala lang, walang kinalaman ang Wawsabaw.com sa Sabaw productions. Manuod nalang kayo! Tama na ang satsat! Enjoy:



Read the rest of this entry »

« Older Entries


Proud Pinoy

Check PageRank
Observational Humor Blogs - BlogCatalog Blog Directory

Add to Technorati Favorites
Humor - Top Blogs Philippines